ALL SET na ang kasal ng matagal nang magkasintahang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan.
Ayaw munang pasabi ni Perry ang eksaktong date ng kasal, pero nabanggit sa amin noon pa ng magkasintahang gusto nilang isabay sa selebrasyon ng anniversary ng kanilang relasyon.
Ang pagkakaalam namin, sa August 8 ang kanilang anniversary, na masuwerte sa kanila ang 8-8-8, dahil naging silang dalawa nu’ng August 8, 2008.
Kaya malamang na August 8 naka-schedule ang kanilang kasal.
Sabi kasi rin ni Arthur na 8-8-8 pa rin ang kanilang kasal, dahil August 2, 2017, 1 plus 7 equals 8 pa rin.
Halos nabuo na nila ang mahahalagang detalye ng kasal. Christian wedding ito sa isang garden sa Tagaytay.
Memorable sa kanilang dalawa ang Tagaytay at pati na rin sa kanilang pamilya.
Ang ilan sa mga kinuha nilang ninong ay sina Tito, Vic & Joey, at si Mr. Tony Tuviera dahil sa Eat Bulaga nanggaling si Rochelle.
Ninong din si Jose Manalo dahil siya ang naka-discover sa dating Sex Bomb dancer.
Kabilang din sina Direk Bert de Leon at Ronnie Henares na nakatrabaho ni Arthur sa Pepito Manaloto.
Mga ninang ang dating manager ni Rochelle na si Joy Cancio, at pati sina Direk Gina Alajar at Irma Adlawan na itinuturing ni Rochelle na nanay-nanayan.
Napagkasunduan nilang pagkatapos ng kasal ay magka-baby na.
“Gusto namin mag-baby agad. Naka-set naman kami. Gusto ko rin family agad.
“Gusto ko, pagdating ng Christmas, buntis na siya, ‘di ba?”saad ni Arthur.
Sabi ni Rochelle, “Gusto ko, sana, dalawa lang. Pero siya kasi, gusto niyang basketball team talaga. Bahala na.”
Kasama sa entourage ay si Dingdong Dantes, at mga kasamahan din ni Arthur na sina Michael V at John Feir.
Si Michael Cinco ang gagawa ng wedding gown ni Rochelle.