Sa kanyang Instagram account ay ikinuwento ni Rochelle Pangilinan ang mga pinagdadaan niya ngayong first time preggy siya at ang kanyang excitement na malaman na ang gender ng kanilang magiging first baby ng asawang si Arthur Solinap.
“Isa sa magandang karanasan ng pagiging ganap na babae ang di ko malilimutan itong stage na to, ang mabuntis. Sa unang 3 buwan hindi mo maintindihan ang katawan,parang may lagnat ka, hindi makakain o namimili ka ng kakainin,nasusuka na ewan.
“Actually hindi ko masabi kung ano ang masakit sa kin, maraming kang ayaw marami kang gusto na kakaiba, katulad ko, bigla na lang ayaw kong makita o maamoy si Art, pero kapag umalis siya tatawagan ko siya na naiiyak pa ko kasi wala sya,lungkot na lungkot lang ang pakiramdam, sa 9 years naming naging magbf-gf ni Art at 1 year na kasal, biglang ganun na lang, kaloka!
“Sa pagkain, lahat ng prutas ay gusto ko,pero tanging siopao,dalandan,at cinnamon roll ang paulit ulit kong kinakain,” bahagi ng post ni Rochelle.
Dahil bagong experience nga ito kay Rochelle, amazed na amazed siya sa milagro ng Diyos na ito na may taong nabubuo sa kanyang tiyan.
“Ngayon, may gumagalaw na sa loob ng tiyan ko, minsan weird siya kung iisipin para kang may aquarium sa loob ng tiyan! Haha! Pero ibang klase ang miracle ni God kung paano unti-unti syang nabubuo sa loob ng tyan ko,isipin mong kaya kong gumawa ng tao?!”
At kung dati raw ay takot siyang magbuntis, ngayon ay super-excited na siya sa paglabas ng baby and feels blessed na hindi siya pinahirapang masyado ni God sa pagbubuntis pati na ang pagbibigay sa kanya ng asawang tulad ni Art.
“Ang gusto lang namin ay maging healthy siya, kumpleto ang body parts at maging good follower sya ni God paglaki niya. Blessed ako dahil hindi ako pinahirapan sa pagbubuntis at binigyan ako ni God ng mabuting asawa, ‘yung laging nandyan, gabi-gabi bago siya matulog, sinisigurado niyang ok ako, kasama sa lahat ng bagay san man ako pumunta.
“Ngayon, excited na kaming malaman ang gender ni baby! Malapit na!” ang pagtatapos ng post ni Rochelle na kasalukuyang napapanood ngayon sa primetime drama series na Onanay.
***
Alex buwis-buhay sa pelikula
Muntik na palang mamatay si Alessandra de Rossi habang ginagawa ang pelikulang Through Night & Day ng Viva Films dahil sa freezing cold weather sa Iceland kung saan kinunan ang 50% of the film (the other 50% was shot in Baguio).
Kuwento ni Direk Veronica Velasco kahapon sa mediacon ng movie, ang eksena raw ay sa isang hot spring lagoon pero ang nakakaloka, hindi naman daw mainit ang tubig kundi sobrang lamig as in OA sa lamig dahil sey nga ni Paolo Contis na leading man ni Alex, negative 10 ang weather that time.
Ayon sa direktora, nasa script daw kasi na kailangang mag-swimming ni Alex sa isang hot spring lagoon.
“Hindi siya hot spring, malamig siya!” ang tili ni Alex.
“So, si Alex, hindi ko na nga alam kung itatama ko ba ang shot or iisipin ko ba si Alex na baka mamatay na or iisipin natin ‘yung dialogue,” sabi ni Direk Ronnie (palayaw niya).
“Hindi namin alam na ang hot spring doon ay hindi naman totoong hot spring,” sey pa ng lady director.
Nang kinukunan na ang scene talagang nanginginig na raw si Alex gayung kapapasok lang daw nito sa pool.
“Sandali pa lang, eh, nakita ko na hirap na hirap na siya. Makikita mo naman sa mukha niya, eh.”
Kuwento naman ni Alex, talaga raw nahihirapan na siyang huminga at nanginginig ultimo pinakamaliit na himaymay ng kanyang laman. First time lang daw niyang naranasan ‘yun kaya akala raw niya talaga ay mamamatay na siya.
“Naninikip talaga ‘yung dibdib mo, parang nag-i-stuck talaga ‘yung puso mo. Tapos nung pumasok na ako sa room, ‘yung hindi mo mapigil na nanginginig na lahat ng laman mo,” kuwento ni Alex.
Sobrang puri naman ni Direk Ronnie sa aktres na napaka-professional daw at kahit ginaw na ginaw ay tinapos pa rin ang eksena.
Showing na ang Through Night & Day sa Nov. 14 na tungkol sa kwento ng isang magkarelasyon nang matagal na nagpunta sa Iceland for a vacation at dito nila na-discover ang mga tunay na ugali ng isa’t isa.