NI: ASTER A AMOYO

Binalikan namin `yung panahon na sobrang naintriga si Rochelle Barrameda kay Alma Concepcion .Ito ang unang naging kasintahan ng kanyang mister na si Jimwell Stevens.

Almost one year din ang naging relasyon noon nina Alma at Jimwell. Nang maghiwalay ang dalawa, binalingan ni Jimwell si Rochelle at may iba na ring boyfriend noon si Alma, ang nakatatandang kapatid ni Sheryl Cruz na si Wowie.

For sometime ay nagkaroon ng gap noon sina Rochelle at Alma na sabay inilunsad ng Regal Films sa pelikulang “Massacre Files” kasama ang dati ring beauty queen na si Joanne Quintas.

Ipinagbubuntis na ni Rochelle ang kanilang panganay ni Jimwell na si James Rohwell (22) nang sila’y magpakasal nu’ng May 21, 1997. Nasundan ito ng tatlo pang supling, sina Jullia Rohjim (22), Jimelle Robby at Gichelle Railey (3). Two boys and two girls.

Si Rochelle ay tinanghal na Miss Photogenic of the Philippines nu’ng 1995 .Ito ang kanyang naging daan sa kanyang pagpasok sa showbiz at dito niya nakilala ang kanyang mister na si Jimwell Stevens na naging 1993 Face of the Year . Two years later ay pumasok din sa showbiz si Jimwell. Ang mag-asawa ay nagtayo noon ng isang car wash-restaurant, na tumagal ng siyam na taon. Pinasok din ni Jimwell ang buy & sell ng mga sasakyan hanggang maisipan nilang itayo ang Skin Frolic by Beautederm sa BF Homes, Paranaque. Kamakailan lamang ay binuksan nila ang kanilang ikalawang branch sa Ayala Mall – Manila Bay sa tulong ng CEO at President ng Beautederm na si Ms Rhea Anicoche-Tan.

“Sana makapagbukas pa kami ng pangatlo naming branch,” asam pa ni Rochelle .

Huling napanood ang aktres sa TV series ng GMA, ang “Sherlock, Jr.” nu’ng 2018 .

Although busy sila ngayon ng kanyang mister na si Jimwell sa kanilang negosyo, bukas pa rin umano sila sa kanilang showbiz career dahil dito umano sila nagsimula at nagkakilala.

Speaking of Rochelle at Jimwell, tunghayan ang mag-asawa sa aming “Celebrity Talk” online show sa darating na Lunes, March 16 sa ganap na alas-dose ng tanghali.

Subscribe on our YouTube channel and share, like us on Facebook and follow us on our Website, Instagram and Twitter.

Rochelle hustisya pa rin ang hiling sa pinatay na utol

13th death anniversary kahapon ni Ruby Rose, pinaslang na kapatid ni Rochelle Barrameda.

March 14, 2007 nang biglang mag-disappear ang nakababatang niyang kapatid . Walang makapagsabi kung paano ito nawala. Two years later, isang witness ang lumutang at itinuro ang kinaroroonan ni Ruby Rose. Ito’y itinapon sa gitna ng Malabon port. Nakagapos, pinahirapan , pinatay at saka isinilid sa loob ng isang steel drum na may lamang semento.Itinapon ito sa gitna ng dagat.

Ang buong akala ng pamilya ni Rochelle ay tuluy-tuloy na nilang makakamtan ang hustisya matapos nilang ma-recover ang hindi na makilalang katawan ni Ruby Rose. Pero hindi pa pala. Nag-recant ang witness at tuluyan na itong nawala. Since then ay wala nang balita sina Rochelle kung saan napunta ang kanilang witness.

“Mahirap talaga kung ang kalaban mo ay may pera at connection kaya hanggang ngayon ay patuloy kaming umaasa at humihingi ng katarungan sa pagkamatay ng kapatid ko. It’s been 13 years pero hanggang ngayon ay nangangapa pa rin kami kung makukuha ng kapatid ko ang hustisya na inaasam namin,” malungkot na pahayag ng actress-entrepreneur.

“May edad na rin ang parents ko pero hanggang ngayon ay hindi sila nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makakamit din namin ang katarungan para sa kapatid ko,” dugtong pa ni Rochelle.

Nakalimutan ang sariling pamilya

Samantala, hindi ikinakaila sa amin ni Rochelle na nasubok din noon ang pagsasama nila ng kanyang mister (of twenty years) , ang 1993 Face of the Year-turned actor na si Jimwell Stevens sa pagnanais niyang makuha ang hustisya para sa nakababatang kapatid.

“Nakalimutan ko rin na may sarili na rin akong pamilya – asawa at mga anak na ngangailangan din ng attention ko,” pag-amin ng actress.

Nung araw na biglang naglaho si Ruby Rose (March 14, 2007) ay isinilang naman ni Rochelle ang kanilang ikatlong anak ni Jimwell na si Jimelle Robby.

“Napakahirap ng sitwasyon ko noon,” pagbabalik-tanaw ni Rochelle.

“Bago akong panganak tapos nasa gitna kami ng paghahanap sa kapatid ko kaya madalas iba ang mode ko kaya madalas din kaming mag-clash ng asawa ko,” aniya.

“But I have to thank him for being understanding at supportive sa pinagdaanan ko noon at hindi siya gumib-ap sa akin .Hindi niya kami iniwan ng mga anak namin,” pahayag ng aktres na mangiyak-ngiyak .

Sa palagay kaya ni Rochelle ay makakamtan pa nila ang hustisya para sa kanyang kapatid?

“Hindi kami tumitigil sa pagdarasal. In my heart and in my mind, naniniwala ako na in God’s perfect time ay mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko,” asam pa niya.