Rochelle nanganak na

Nanganak na ang dating Sexbomb girl na si Rochelle Pangilinan ng isang malusog na baby girl nu’ng Linggo ng gabi sa Medical City sa Ortigas, Pasig City.

Iniluwal ni Rochelle ang 7 pounds baby girl nila ng asawang si Arthur Solinap, 7:39 p.m. nu’ng Linggo.

Nabatid kay Arthur na wala pa silang pinal na desisyon na ipapangalan sa baby pero may mga listahan na sila ni Rochelle. Ilan sa mga pinagpipilian ay Shiloh, Elisha at Bliss.