WALA pang exact date kung kailan ang kasalang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.
Ang sabi sa amin ni Rochelle sa presscon ng Encantadia, hindi pa nila alam ang petsa, pero definitely not this year ang wedding nila.
Binigyan siya ng go signal ni Arthur na mag-Enca muna, na balitang aabutin ng Disyembre o lampas pa.
Habang nasa Encantadia si Rochelle ay kailangan niyang i-maintain ang katawan niya dahil labas ang tiyan niya sa costume niya.
Ang sabi niya sa amin, dapat ay healthy living. Pati ang cardio exercises niya ay mas malala.
Kasi, ang fight scenes nila ay hindi normal na fight scenes lang. Dire-diretso mo itong gagawin at paulit-ulit.
Kaya importante na healthy living dahil kung hindi ay mahihimatay ka na lang bigla.
Gustung-gusto ni Rochelle ang role niya bilang si Agane na kanang-kamay ng pangunahing kontrabida na si Hagorn (John Arcilla).
Pangarap niya kasing mag-aksyon-aksyon kaya nagpapasalamat siyang napasama siya sa Kapuso telefantasya.
Puring-puri ni Rochelle ang produksyon nito, na ayon sa kanya ay ibang klase at nakaka-proud. Sa lahat ng shows na naranasan niya ay iba ito.
Kapag nasa set ay tahimik lang siya, pero namamangha siya sa mga nakikita niya.
Bongga pati ‘yung mga talent na gumaganap na mandirigmang Hathor dahil kinakarir ang costume at makeup.
Isa pang ine-enjoy ni Rochelle sa Encantadia, bukod sa napapasabak siya sa aksyon ay ang lalalim ng ginagamit nilang Tagalog.
Maging sa Amaya noon ay bet na bet niya ang makalumang wikang Pilipino.
Dayalog sa amin ng 34-anyos na si Rochelle, mag-iipon muna sila ni Arthur para next year, pagkatapos ng kasalan ay baby na agad.
Nu’ng Pebrero 20 nag-propose si Art kay Rochelle after ng mahigit pitong taon nilang relasyon.