Roderick walang kupas sa kabadingan

Nakita namin ang Facebook post ni Rex Tiri, ang may-ari ng T-Rex Films, kung saan kasama niya sa larawan ang mahusay at award-winning actor na si Roderick Paulate.

Nang aming tanungin ang producer kung may project sa kanila si Kuya Dick, sagot niya, initial talks pa lamang daw iyon. Pero may dine-develop raw silang film concept para sa actor-comedian. Hopefully ay maayos nila ang konsepto at script, at makapag-shoot ng pelikula by 2020.

Noong konsehal pa ng Quezon City si Kuya Dick, madalang siya tumanggap ng acting assignments. In fact, sa kanilang dalawa ni former QC Mayor Herbert Bautista unang inalok ang “Deadma Walking”.

For some reason ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan ni Kuya Dick at Mayor Bistek kung tatanggapin nila ang pelikula. Until ang lead roles ng ang award-winning film from T-Rex Films ay napunta kina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

Sa ngayon ay napapanood si Kuya Dick sa “One of the Baes”, kung saan gumaganap siyang adoptive father ni Rita Daniella. Ang secret ng kanyang character ay closet bading siya. Noong una ay ‘di niya ito maamin sa kanyang anak pero ngayon ay inamin na niya na ampon lamang niya ito.

Inamin rin niya kay Rita na napulot lang niya ito at hindi siya ang tunay na magulang.

Ang effortless na acting ni Kuya Dick bilang Pabs sa “One of the Baes” ay siyang dahilan kung bakit marami ang nanonood ng series na tinatampukan din ni Ken Chan.

Nobody does a gay role better than Kuya Dick. Kahit na simpleng acting lamang ay mapapatawa o kaya’y mapapaiyak ka niya. Kayang-kaya ni Kuya Dick gumanap na bading. Kaya naman ang diva that you love ay hangang-hanga sa husay niya.

Panganganak ni Julia Montes walang makapagpatunay

Ayon sa tsismis, nakabalik na raw diumano ng Pilipinas ang aktres na si Julia Montes. Si Julia ay natsismis na buntis at ang sinasabing ama ay ang King of Primetime na si Coco Martin.

Last year ay lumipad patungong Germany para magbakasyon at bisitahin ang kanyang biological father na si Martin Schnittka, na una niyang na-meet three years. Mula nang siya ay umalis ay ‘di pa siya muling nag-resume ng kanyang acting career.

Kaya may mga naglabasang tsismis na buntis daw si Julia at ang tatay ay ang lead star ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Nagsilang daw ng sanggol si Julia sa isang ospital sa Metro Manila.

Pero up to now ay wala namang makapagpatunay na totoo ang tsismis.

Kapusukan ni Lovi ‘di inurungan ni Joem

Happy si Joem Bascon sa maganda at challenging role na ginagampanan niya sa “The Annulment”, the upcoming movie from Regal Entertainment. Siya ang bida sa Mac Alejandre film na ito na tampok din si Lovi Poe as the female lead.

Ayon kay Joem, marami na siyang nagawang teeny-bopper roles or pa-cute roles noong siya’y bata pa at baguhan sa showbiz. Now that he’s more mature bilang aktor, importante raw na piliin niyang mabuti ang bawat film project na kanyang gagawin.

Dapat daw ang roles na kanyang tatanggapin “will challenge him as an actor”.

“Happy, honored at bless ako na ako’y binigyan ng Regal ng opportunity na magbida. First time ko magbida sa Regal. First time ko rin gumawa ng movie na maraming love scenes. ‘Yung mga past love scenes na ginawa ko before pales in comparison sa love scenes ko sa ‘The Annulment’. Very daring ang love scenes ko rito,” sabi pa ni Joem.

Pareho silang mapusok ni Lovi sa pelikula at walang urungan.

Masaya siya na makatrabaho sina Lovi at Direk Mac. Sa panahon ngayon na bihirang pagkakataon sa mga veteran actor na makakuha ng lead role sa pelikula, very grateful si Joem sa tiwala ng Regal Entertainment na ipinagkatiwala sa kanya ang isang mapanghamong papel sa “The Annulment”.

Showing na sa mga sinehan ang “The Annulment” sa November 13.