Rodjun, Dianne walang kinita sa Japan trip

Marami ang nag-react sa nasulat dito sa Abante Tonite tungkol sa pagdi-deny ng magkasinta­hang Rodjun Cruz at Dianne Medina sa akusasyon ng mga netizen na kasama sila sa entourage ng Pangulong Duterte at niwawaldas nila ang pera ng bayan.

Pinapalabas nila na sariling pera nila ang ginastos.

Lumabas ngayon ang balita na kasama sila sa mga Pinoy performer na nag-perform noong Mayo 30 sa Palace Hotel sa Chiyoda-ku, Tokyo. Meeting umano ito ng Pangulong Duterte sa Filipino community.

Nasa listahan din umano ng mga nagpasaya sa Pinoy community sa nasabing lugar sina Martin Escudero, Michael Pangilinan, Moymoy, Philip Salvador at Robin Padilla.

May mga nagsasabi ngang kung karagdagang raket ito para sa kanila ay hindi na lang dapat nila itong itinanggi dahil nakinabang naman umano sila.
Kung pro bono o for the love of naman daw ito, mas bibilib pa raw sa kanila ang sambayanan.

Ayon kay Dianne wala raw silang kinita sa pag-perform nila . Voluntary raw ang pagpunta nila sa Japan. (Archie Liao)