Rodjun niratrat ang bagong bahay

Ang mga dalahira at katkatera talaga, parang nakapag-enroll at pumasa with honors sa creative writing class pag nagsimulang magbulungan at rumatrat.

Ang puntirya at binibiktima nila ngayon, ang hunky dad to be na si Rodjun Cruz. Wala silang pakialam sa pagiging ama nito at ang mas gusto nilang dalirutin ay kung paano nagkaroon ng bonggang balay ang kapatid ni Rayver at asawa na si Dianne Medina?

Hindi sila na nanalig sa paliwang eme ni Cruz na grabeng pagtitipid at pagsisipag ang ginawa nilang mag-asawa para mabili ang kanilang dream house. Wala silang pakialam sa katototohanang may sapat na panahon para mag-impok ang mag-asawa dahil matagal muna itong naging magkasintahan bago nagpakasal at may regular na mga trabaho ang dalawa. Nagdadabog ang kanilang bangs at hindi na nanalig na malaki ang suweldo ni Rodjun bilang Kapuso artist at hindi sapat ang kinikita ni Dianne sa kanyang karera bilang host sa isang government station. (Todo kayang kumayod si Dianne. Ang dami niyang raket bago ikasal-ED).

Para sa team dalahira at katkatera, ang pinipilit nila may “sponsor” umano si Cruz na bahay ang iniregalo rito. Juice colored! Grabe naman ang mga imahinasyon niyo, very pang baklang pusali lang talaga. Charot! Hahahaha!

Maghunos dili nga kayo sa inyong mga kuro-kuro at mga pantasya. Mahiya naman kayo sa mag-asawang Cruz na sipag, tiyaga, dugo at pawis ang naging puhunan, para sa kanilang dream house. Kung ano-anong karumihan ang pinapakawalan niyo. After the quarantine, magtika kayo at mangumpisal, please.

Walang aliw sa TikTok ni Mahal

May pinanood ka na bang TikTok bidyo na ang bida ay ang hobbit queen na si Mahal? Isang bidyo niya pa lamang ang aking nasasaksihan, ito yung parang nagbo-body dancer siya na ang tugtog ay “Careless Whisper” .Sa true lang. hindi ko natagalan. Wala siyang aliw na inihatid sa inyong lingkod.

Kung bakit marami ang tuwang-tuwa sa kanyang mga paandar, walang basagan ng trip.