Nanawagan ang isang mambabatas kay Solicitor General Jose Calida na hayaan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na siyang magpasya sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mapaso sa Marso ngayong taon.

“There should be no other body that should try to get this power away from Congress,” ayon kay Caga­yan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Ang pahayag ni Rodriguez ay kasunod ng ulat na pla­nong maghain ni Calida ng quo warranto case sa Sup­reme Court para kuwestiyonin ang pagkakabalik sa pamilya Lopez ng Kapamilya network noong 1986.

Sabi ni Rodriguez, dapat bigyan ng pagkakataon ni Calida na gawin ng Kongreso ang trabaho nito dahil bilang isang legislative body ay mayroon itong ‘exclusive authority’ sa pagkakaloob o pagpapalawig ng prangkisa.
“Let us decide, the majority (of congressmen), will decide – grant the ABS-CBN renewal or not,” sabi ni Rodriguez. (JC Cahinhinan)