Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa nang ayon sa hinihingi nito sa atas ng kanilang katutubong bait, ito’y nagiging kautusan para sa kanila. Ipinakikilala ng kanilang gawang nakasulat sa kanilang mga puso ang hinihingi ng Kautusan. Pinatutunayan din ito ng kanilang budhi, sapagkat kung minsan sila’y sinusumbatan, at kung minsan nama’y ipinagtatanggol sila ng kanilang isipan.