Ngunit ngayo’y nahayag na ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao. Ito’y hindi sa pamamagitan ng batas, bagama’t ito’y pinatotohanan ng Kautusan at ng mga propeta. Pinawawalang-sala ng Diyos ang lahat ng nananalig kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio at maging Hentil.