Romansang Bea, John Lloyd kinakarer

Hindi maikakaila na ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay isa sa pina-most successful pairings hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Nang `magbakasyon’ si Lloydie sa showbiz, isa sa mga nalungkot ay ang kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo . Gayunman, nirespeto ng actress ang naging desisyon ng ka-loveteam.

Hiwalay na pareho ngayon sina John Lloyd at Bea sa kanilang respective ex-partners na sina Ellen Adarna at Gerald Anderson kaya parehong single and un-attached ngayon ang dalawa.

Sina John Lloyd at Bea ay nanatiling magkaibigan sa kabila na hindi sila nagkaroon ng anumang romantic involvement before.

May lumulutang na balita na muling magtatambal sina John Lloyd at Bea sa isang pelikula under Star Cinema .

Hindi kaya ang ending nito ay sina John Lloyd at Bea ang magkatuluyan sa totoong buhay? Kinakarer ng mga fan na sana ay maging magdyowa ang dalawa.

Regine ninang sa kasal ni Sarah?

Proud si Regine Velasquez dahil nasubaybayan niya ang pag-grow ni Sarah bilang isang artist and performer.

Sa part naman ni Sarah ay hindi umano nawawala ang kanyang pagka-starstruck sa kanyang idol hanggang ngayon.

Ang pakiramdam ni Regine ay estudyante niya noon si Sarah at siya naman ang teacher nang sumali ito sa “Search for a Star” in 2003.

Hindi rin kami magtataka kung isa si Regine sa mga tatayong ninang sa kasal nina Sarah at Matteo Guidicelli.

Marco pinagdadasal ang paglaya ng erpat

Hindi ikinakaila ni Marco Gumabao na ipinagdarasal niya ang paglaya ng kanyang amang si Dennis Roldan.

Very close si Marco sa kanyang erpat na nakakulong . Kapag may libre siyang oras ay madalas niya itong dalawin sa kulungan.

Nasa piitan si Dennis dahil sa pakaka-involve nito sa isang kidnapping case ng isang Filipino-Chinese child in 2005.

Si Dennis ay kapatid ng veteran actress na si Isabel Rivas.

Ronnie ka-level ni Matteo

Tulad ni Matteo Guidicelli, isa na ring army reservist ng Philippine Army ang Viva singer-actor na si Ronnie Liang. Pareho rin sila ng ranggo bilang second lieutenant.

Bago ang pagiging army reservist ay nagtapos din last November si Ronnie ng pagiging piloto at pangarap niyang maging isang commercial pilot balang araw.

Ngayong isa nang ganap na piloto at army reservist si Ronnie, malamang na harapin na rin nito ang pagkakaroon ng makakatuwang sa buhay.