Romblon State University nasunog

Natupok ng apoy ang ikalawang palapag ng administration building ng Romblon State University main campus sa Odiongan, Romblon kahapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng nagsimula ang apoy sa kisame ng 2nd floor at maaaring linya sa kuryente ang pinagmulan ng sunog.

Naging pahirapan pa ang pag-apula sa apoy dahil maraming mga papel ang nasunog sa building kaya kinaila­ngan pang tumawag ng bombero mula sa kalapit na bayan at sa ilang pribadong fire truck.

Ayon sa BFP-Odio­ngan, aabot sa mahigit P1 milyon ang halaga ng natupok.

Matatagpuan sa nasunog na building ang registrar’s office, cashier’s office, at ang opisina ng presidente ng Romblon State University.

Nagsimula ang sunog bandang ala-1:30 ng hapon at nakontrol ng alas-tres ng hapon.

Masuwerte namang hindi kumalat ang apoy at hindi nadamay ang mga katabing building ng College ng Business and Accountancy.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing sunog.