Romeo naglabas ng sama ng loob

Inamin ni Terrence Romeo na nalungkot siya sa balitang lumabas na may ilan siyang dating kasama sa TNT na nagpetisyon na mapaalis siya sa KaTropa.

Sinabi ito mismo ni Romeo sa mga reporter matapos ang unang praktis sa San Miguel Beermen kahapon.

“Nasa mundo kami ng sitwasyon na hindi namin hawak. Minsan puwedeng ibang tao ‘yung nagdesisyon sayo, minsan pwedeng teammate mo ‘yung sumira sa ‘yo,” wika ni Romeo.

“Basta maraming case na puwedeng maging dahilan. Ang mahirap lang na part ang nakikita nila, ‘yung nababasa nila. Hindi nila alam ang tunay na dahilan.”

Pormal nang pinakilala ni San Miguel board governor Robert Non si Romeo bilang bahagi ng Beermen matapos nitong ma-trade mula TNT kapalit nina David Semerad, Brian Heruela at future first-round draft pick.

Gayundin si assistant coach Jimmy Alapag.