MABAGSIK pareho ang magkapatid na Robin at Rommel Padilla kaya sakto sa kanila ang ineendorso nilang BRAVO Food Supplement for Men na ang tagline ay…
“Ang bagsik mo!”
Sabi ni Robin sa presscon nila ni Rommel kahapon, ang mga Padilla ay tunay na nagmamahal sa mga kababaihan, nagsisilbi at pinaliligaya ang mga babae sa anumang paraan.
Kilala sila sa pagiging gentleman at sa kung tawagin ay serbisyong Padilla.
Bukod doon ay importante aniya sa lalaki ang maging MAHABA… ang pasensya.
Ayon kay Binoe, napakahalaga ng good sexlife sa mag-asawa. May mga lalaking dumaranas ng kahinaan o mga problema na kagaya ng erectile dysfunction at premature ejaculation.
Sa mga ganu’ng pangangailangan ng kalalakihan nakakatulong nang malaki ang Bravo.
Sabi pa ng 46-anyos na si Robin, hindi pa niya nararanasan ‘yon sa ngayon, pero hindi maiiwasan na sa pag-edad ng isang lalaki ay magkakaroon ng problema sa PAGTINDIG o iba pang suliranin na katulad no’n.
Para kay Binoe ay importante ang iniinom na food supplement gaya ng Bravo kung gustong mag-iwan ng MARKA ng isang lalaki sa kanyang kaniig.
Para raw itong isang AGIMAT.

Inamin ni Robin na hindi pa niya ito na-testing dahil ang misis niyang si Mariel Rodriguez ay anim na buwang buntis.
Kaya ipinagbawal ng doktor na meron siyang gawing ‘maganda’ sa kanyang asawa.
So, ngayon ay OUTSIDE DA KULAMBO muna siya. After 3 months ay susubukan niya raw ito at itotodo niya.
Ang kanyang Kuya Rommel ang makakapagpatunay na epektibo ang ineendorso nilang magkapatid.
Aniya, wala itong side effects, FRONTAL EFFECTS lang. Organic daw kasi ito at gawa sa tatlong klase ng halaman.
***
Natawa lang si Rommel sa hirit ni Robin na ang prinsipyo ng Kuya Rommel nito ay huwag magbawas kundi magdagdag pa, na ang tinutukoy ay ang mga babaeng nakakarelasyon at naaanakan ni Rommel.
Nilinaw ni Binoe na walang naagrabyadong babae ang kanyang utol kaya idol niya ito.
Speechless si Rommel sa sinabing ‘yon ni Robin.
Ayon sa 51-anyos na ama ni Daniel Padilla, nasubukan na niya ang Bravo nang minsang malungkot si JUNJUN.
Kaya pa naman niya kung sa kaya, pero kung gusto raw ibigay sa partner mo ‘yung marka ng pagiging mabagsik (sa kama) ay kailangan mong uminom nito.
Biro ni Rommel, nang magsayaw ang sexy female dancers sa presscon ay pinagpapawisan siya dahil mainit pa rin ang katawan niya, 3 days matapos siyang uminom ng Bravo.
Aniya, ang pag-inom nito ay nakakapagparami ng semilya ng lalaki, kaya makakatulong din ito sa mga mag-asawang hindi makabuo ng anak.
Natatawang sey ni Rommel, sampu na ang mga anak niya.
Ang target niya raw ay mga 45 na anak, kaya kailangan niya talaga ang tulong ng Bravo Food Supplement for Men na mabibili sa Mercury Drugstores nationwide.