Ronda title abot-kamay ni Morales

Hindi maikakailang seremonya na lang ang kulang at tatanghalin nang kampeon ng LBC Ronda Pilipinas 2017 si Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance, matapos ­manguna sa Stage 12 kahapon na nagtapos sa ­Guimaras, kung saan tatlong siklista ang tinuhog at kinainan ng oras para idagdag sa kanyang nakukulektang oras para sa overall leadership.

Guimaras — Halos abot-kamay na ni Navy-­Standard Insurance rider Jan Paul Morales ang titulo, matapos tuhugin ang tatlong siklista kasama ang teammate na si Rudy Roque upang sikwatin ang Individual­ Time Trial Stage 12 ng LBC Ronda Pilipinas 2017 edition kahapon.

Umalagwa ang lamang na oras ni defending champion Morales, nilista nito ang isang oras, limang minuto at 42 segundo sa 40-kilometer race sapat para manatili ang LBC red jersey sa 31-anyos pagsibat ng Stage 13 ngayong araw.

Nirehistro ni Mora­les ang aggregate time na 38:31:38 para ilayo ang oras kina Roque, (38:40:55) at Cris Joven ng Kinetix Lab-Army (38:47:57) sa overall.

“Lalong gumanda kundisyon ko nu’ng makita ko ‘yung sasakyan ng Army sabi ko habulin ko si ­Joven,” hayag ni Morales na tubong Calumpang, Marikina.

Hindi pa sinisiguro­ ni Morales ang titulo dahil mahaba ang karera sa Stage 13 na may distansyang 209-km Iloilo-Iloilo via ­Antique.

“Sa ngayon wala pa, pagkatapos ng karera bukas (ngayon) at pag nandun pa rin ang lamang ko eh sa akin na itong edition,” ani ­Morales na lumalapit na rin sa unang siklistang nag-back-to-back titles sa Ronda.

“Tulungan ko si Rudy (Roque) para manatili siya sa second sa overall,” dagdag ng Navy star.

Si Jay Lampawog ng Navy ang pangalawang best ITT sa event na nakalaan ang P1 mil­yong premyo sa magkakampeon mula sa presentor LBC, MVP Sports Foundation, ­Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Samantala, bukod sa individual, sakop na rin ng Navy ang overall sa Sprint, King of the Mountain, Best Young rider at Team Classification.

Hawak ni Morales ang Sprint at KoM habang si Daniel Ven ­Carino ay may tangan sa Best Young rider.