Rondina, Arocha pararangalan

Rondina, Arocha pararangalan

SUMISIKAT at parami nang parami ang nanonood na fans sa collegiate leagues sa event na Volleyball.

Malakas ang dating sa mga fan ang women’s division kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon ay isasama ang dalawang sikat na atleta sa volleyball sa magaganap na 2019 Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards sa Amelie Hotel Manila sa Malate, Manila.

Pararangalan sa event na prinisenta ng SportsVision, sina Cherry Ann Rondina ng University of Santo Tomas at Regine Arocha ng Arellano University sa Lunes.

Nag-iwan ng magandang alaala ang graduating hitter na si Rondina nang masilo ng Tigresses ang three-peat sa beach volleyball at bigyan ang UST ng unang gold medal sa UAAP Season 81.

Nakalawit din ni Rondina ang pang-apat na Most Valuable Player awards.
Para kay Arocha, pinamunuan nito ang Lady Chiefs upang hiranging kampeon sa NCAA Season 94.

Ipinakita ni Arocha ang kanyang tikas sa clutch sa Finals upang tulungan ang Arellano U na kalusin ang Perpetual Help at kumpletuhin ang three-peat. (Elech Dawa)