Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Center, San Juan)
4:00 p.m. Generika-Ayala vs F2 Logistics
6:00 p.m. – Cignal vs Marinerang Pilipina
Kinapitan ng defending champion sina Cherry Ann Rondina at Mika Aereen Reyes upang walisin sa tatlong set ang PLDT Home Fibr, 25-19, 25-15, 25-9 Huwebes nang gabi gabi sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference 2nd round preliminary sa FilOil Flying V Centre, San Juan.
Nagtala si power hitting Rondina ng 12 points kasama ang 20 digs upang akbayan ang Blaze Spikers sa seven-game winning streak at ilista ang 9-1 karta sa pagsemento sa second spot sa standings.
Bumakas naman si Reyes ng siyam na puntos mula sa walong spikes at isang block para sa Petron at isalya sa 3-7 ang Power Hitters na natengga sa sixth sa 8-team women’s indoor volleyfest.
Nagkumahog ang Power Hitters sa kanilang attack, nagtala lang ng 25 kills laban sa 47 hits ng Blaze Spikers.
“Dapat talaga lahat kami gumalaw para ‘di kami mag-slow start, ‘yun kasi ang pala-ging sinasabi sa amin ni coach kaya ngayon strong start kami,” ha-yag ni Rondina.
Sa third set ay hindi na pinatagal ng Petron ang laban, humarurot agad upang limitahan ang PLDT sa siyam na puntos.
Tumikada si Aiko Urdas ng walong puntos para sa Power Hitters habang nag-ambag si setter Jasmine Nabor ng six points. (Elech Dawa)