Rondo maangas na passer

Ipinagdiinan ni Rajon­ Rondo­ na isa siya sa pinakama­angas na passer ng National Basketball Association (NBA).

Malaking bagay ang 7 assist ni Rondo sa 112-103 win ng Lakers laban sa Clippers nitong Linggo.

Sumampa si Rondo sa 15th place ng all-time assists list, nakaipon na siya ng 7,212 dime para lagpasan si Lenny Wilkins.

“Congrats to @RajonRondo of the @Lakers for mo­ving up to 15th on the all-time assists list,” post ng NBA sa Twitter kasama ng listahan ng nasa 7th-16th.

Tadtad ng mga impresibong player ang list, pero nangunguna pa rin si John Stockton (15,806), malayong­ kabuntot si Jason Kidd (12,091).

No. 7 si Chris Paul (9,600), pinakamalaking pangalan sa No. 8 si LeBron­ James (9,289). (Vladi ­Eduarte)