Ronnie ayaw pasindak sa maglalabas ng baho

Unang naisulat namin dito sa Abante Tonite ang pagbabanta ng isang netizen na nagngangalang marivicramos. Pasasabugin daw niya ang baho umano ni Ronnie Alonte.

Inakusahan din siya ng naturang basher na isang user at darating daw ang panahon na kakarmahin din ito lalo na kung meron itong kapatid na babae.

Katunayan, sa socmed, dinare ni Ronnie na maglabas ito ng ebidensya.

Sa aming maikling pag-uusisa, sinabi ni Ronnie na tinatawanan lang daw niya ang nasabing akusasyon.

Ayaw din daw niyang paapekto dahil bukod sa hindi niya kilala ang basher, wala raw katotohanan ang pinagsasabi nito.

Dagdag pa niya, wala rin daw siyang dapat ikatakot dahil wala siyang inaagrabyado o sinasaktang tao.

Masaya naman si Ronnie dahil may launching movie na sila ng real life girlfriend na si Loisa Andalio. Ito’y ang “James and Pat and Dave” na sequel sa highly successful na “Vince and Kath and James”. Ka-triangulo nila si Donny Pangilinan.

Palabas na sa Pebrero 12. Nasa supporting cast sina Awra Briguela, Myrtle Sarrosa, Ana Abad Santos, Bobby Andrews, Isay Alvarez, Bodjie Pascua, Odette Khan at CJ Salonga. (Archie Liao)