Umapela sa Department of Justice (DOJ) ang dating driver/bodyguard ni Senadora Leila de Lima ng sapat na panahon para maghanda ng kanyang written defense sa kasong kriminal na isinampa laban dito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa kanyang pagtungo kahapon sa DOJ para maghain ng mosyon, sinabi ni Ronnie Dayan na kailangan nito ng mahabang oras para maghanda.
Nakasaad sa mosyon ni Dayan ang counter-affidavit nito sa Pebrero 22 kaugnay ng umano’y paglabag nito sa Article 150 ng Revised Penal Code o ang paglabag sa utos ng Kamara.
Ang reklamo ay inihain nina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas, at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice.
…magsabi ka na lang ng totoo,ronnie…para makatulog ka ng mahimbing at maging maayos ang mga sasabihin mo…truth shall set you free…huwag kang magpatakot o magpa-impluwensya, isipin mo na lang na ito ay para sa katotohanan…