Ronnie future wifey si Loisa

Isa sa mga quarantine birthday celebrant na celebrity ay ang “James, Pat and Dave” actress na si Loisa Andalio.

Ika-21 kaarawan niya nitong Martes, April 21 at makikita sa kanyang Instagram ang bonggang pagbuhos ng birthday greetings sa kanya ng kanyang mga kaibigan at fan. Pero hindi nagpatalo ang simple pero napakatamis na pagbati ni Ronnie Alonte para sa kanyang on-screen partner and real-life girlfriend.

“Feliz cumpleanos a mi futura esposa” o Spanish term ng “Happy birthday to my future wife” ang caption ni Ronnie sa litrato na pinost niya kasama si Loisa.

Ramdam ang inggit ng mga fan sa comment section sa pagbati ni Ronnie kay Loisa.Halos mapatambling sila sa kilig nang masilayan ang Instagram story ng aktres. Makikita na magkasama sila ni Ronnie kahit mahigpit na ipinatutupad ngayon ang enhanced community quarantine. Kumakanta pa nga habang naggigitara si Ronnie. Mukhang kahit ang coronavirus ay hindi kayang mapaghiwalay ang dalawa. (Athena Yap)