Ronnie kabado sa 2 kapatid na frontliner

NI: ROLDAN CASTRO

Nag-aalala si Ronnie Alonte sa mga kapatid niyang frontliners.

Sey ng young actor sa ‘Magandang Buhay’dalawang kapatid niya ang nagwo-work sa hospital.

Nandoon ang kaba nila na baka mahawaan ang mga ito ng COVID-19 na puwedeng madamay ang pamilya nila.

So far, masigla naman ang utol niya na nandito sa ‘Pinas.

Pero kabado siya sa kapatid niya na nasa Amerika. Hindi raw kasi nakikita at kung ano ang update dito.

“Baka sinasabi niya lang na okay doon, pero nahihirapan sila. Kasi ubusan ng pagkain doon,” sambit pa Ronnie sa nasabing panayam.

Panalagin na lang daw ang nagagawa niya para sa kaligtasan ng mga kapatid niya.