ROMMEL PLACENTE: Pagkatapos mag-break up sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, na ang sinasabing dahilan ay nabisto umano ni Ronnie na nag-two time si Loisa, nagkabalikan na sila.
Siguro, hindi talaga totoo na ‘yun ang dahilan, na tsismis lang ‘yun. Dahil dito, naayos din agad nila ang naging problema sa kanilang relasyon.
Kung totoo kasi ‘yung tsismis na nakipag-one night stand umano si Loisa sa isang non-showbiz guy, alangang balikan pa siya ni Ronnie, ‘di ba?
Siguro maliit na bagay lang ang hindi nila pinagkaintindihan kaya naayos din nila agad ‘yun. Sobrang mahal din talaga nila ang isa’t isa kaya ninais na lang nilang magkabalikan.
MILDRED BACUD: Siguro nga ganu’n kamahal ng lalake ang isang babae lalo na kapag sinabing kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, siya pa kaya.
Malalim ang mga nabanggit na dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa. Sa puntong nagpunta pa raw si Loisa sa pamilya ni Ronnie para magpaliwanag…
Kainam naman kung naayos nila ang problema. Ang tanong, true nga kayang nagkaayos?
Alam naman natin na sa mga artistang nagkakaroon ng problema sa relasyon at makakaapekto sa career nila ay pumapagitan ang management.
Naging successful kasi ang show na pinagsamahan ng dalawa at may follow up na nga raw. Isa pa, malaki rin ang fan base ng dalawa kaya naman may project na raw na naka-line up.
RONALINE AVECILLA: Trulala! Maaari rin kasing napilitan lang ang dalawa dahil bakas naman kay Ronnie na naging malaki ang tampo niya sa aktres. Bukod pa diyan ay mukhang nasisira ang imahe ni Loisa dahil sa hiwalayan nila. Maraming paratang na ipinupukol sa dalaga. Siyempre, pang-damage control din kaya pinag-ayos sila.
RODEL FERNANDO: Huwag muna sana ‘yung lovelife ang atupagin nila, noh! Sa totoo lang, ‘di pa sila sikat na maituturing. Kung nagkabalikan man sila eh ‘di okey, pero ‘yung career nila ang asikasuhin nila lalo na itong si Loisa, ‘di pa masyadong kilala ng mga tao.
Ito namang si Ronnie, oo nga’t naging maganda ang pagsisimula niya sa showbiz dahil nagkaroon agad ng TV shows, album, concert at iba pa pero ngayon, hindi na kasing init dati ang career niya ngayon. Huwag muna lovelife ang pag-aksayahan niya ng panahon! Mag-aral siyang umarte para sa ikagaganda at magtagal siya sa showbiz. Naalala ko ‘yung movie niya with Joshua Garcia and Julia Barretto na super hamonado ang acting niya.
In fairness naman kay Ronnie, andu’n na ang kaguwapuhan niya, ang tikas niya. Malakas ang dating pero talagang pagdating sa pag-arte, bagsak siya. Kung gusto niyang magtagal sa showbiz, pagbutihin niya ang kanyang pagganap sa mga pelikula at drama shows na lalabasan niya or else matutulad siya sa mga flash in the pan na mga artistang nakalimutan na lang bigla.
Si Loisa naman, bata pa naman siya. Kung seryoso siya sa kanyang career ay huwag munang mga lalaki ang bigyan niya ng pansin. Mag-concentrate siya sa kanyang larangang pinasok. Hindi naman mawawala ang mga lalaki lalo pa’t maganda naman siya.
Sayang naman dahil nasa kanila na ang suwerte na sa totoo lang, ang daming gustong makarating sa kanilang ginagalawan ngayon. Kaya, payo namin kina Ronnie at Loisa, ‘yang career ninyo ang pagbutihin ninyo dahil mga bata pa kayo. Malayo pa ang mararating ninyo kung magpo-focus kayo sa trabaho. Huwag ‘yang lovelife na ‘yan na makakapaghintay naman.