Ni Archie Liao

Pagkatapos ng kumalat ng alleged video scandal ni Loisa Andalio online, marami ang naghihintay na magsalita at magbigay ng kanyang panig ang Kapamilya actress ukol dito.

Gayunpaman, dedma lang ang naging tugon ng girlfriend ng Hashtags member na si Ronnie Alonte.

Bagama’t kalimitang tinatawanan lang ni Ronnie ang mga bashers nila sa social media, iba raw ang kaso ng latest kontrobersiya na kinasasangkutan ng nobya.

Kamakailan lang, spotted ang young actor sa isang video kasama ang co-Hashtags members at si Vice Ganda na nagre-relax sa isang gig pagkatapos pumutok ng iskandalo ni Loisa.

Malungkot daw ito at kahit inaaliw ng mga kasamahan ay hindi magawang mag-enjoy. Patunay lamang na apektado ito sa mahalay umanong isyu tungkol sa girlfriend.

Sey nga ng netizen sa Youtube:

@Rosaly Esturias, “Napipilitan na nga lng yung taong ngumiti kht na kitang kita nman sa mga mata ang subrang lungkot at pag aalala kay baby loisa.”
@aerene 12, “Bsta wag kau paapekto loinie kya nyo yan mlampsan nyo dn lhat yan.”

Anyway ang LoiNie ay malapit nang mapanood sa pelikulang “James and Pat and Dave” kasama si Donny Pangilinan.

Ito ay sequel sa matagumpay na “Vince and Kath and James” ni Theodore Boborol na nagtampok sa JoshLia as a loveteam.