Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Arena)
11 a.m. — Letran vs Mapua (w)
12:30 p.m. — JRU vs SSC-R (w)
Kinapitan ng defending champion Arellano University si rookie transferee Necole Ebuen upang akbayan ang Lady Chiefs sa 25-19, 25-12, 25-11 panalo kontra Emilio Aguinaldo College kahapon sa 93rd NCAA women’s volleyball competition sa FilOil Flying V Center, San Juan City.
Humataw si Ebuen ng 15 hits kasama ang 12 attacks habang bumakas si Jovielyn Prado ng 12 points upang tulungang mailista ang malinis na dalawang panalo at masolo ang top spot ng team standings.
Unang kinalos ng Legarda-based squad ang Mapua Lady Cardinals, 25-10, 25-17, 25-13, sa opener noong Huwebes.
Pang-14 na sunod na panalo na rin ng Lady Chiefs kasama ang 12 straight ng nakaraang season.
“We can’t afford mistakes in this kind of format so we have to get as many wins as we can,” saad ni AU coach Obet Javier.
Samantala, inakbayan ni Maria Lourdes Clemente ang Perpetual Help upang bigyan ng panalo ang bagong coach na si Macky Carino sa kanyang debut game.
Umiskor si Clemente ng 14 points habang sina Cindy Imbo at Maria Aurora Blanca Tripoli ay nag-ambag ng tig-13 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.
Kumana rin ng pitong puntos si Jowie Albert Verzosa na humalili kay Jhona Rosal na hindi lumaro dahil sa kanyang ovarian cyst.
“It was unfortunate that it happened, we just pray for her that she gets well soon and still play for us this season,” patungkol ni Carino kay Rosal.