Rookie of the Month si Mocon

Walang nag-akalang papalaot hanggang semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Rain or Shine, pero sa pangunguna ni rookie Javee Mocon ay hiniya ng Elasto Painters ang mga miron.

Sa 10 laro mula sa stretch ng eliminations hanggang final four, nag-average si Mocon ng 13.5 points, 6.1 rebounds at 3.5 assists para ikampay ang E-Painters sa 5-5 record.

At sa kanyang maangas na laro, sa pangatlong pagkakataon ngayong season ay tinanghal si Mocon bilang PBA Press Corps Rookie of the Month ng July.
Ang guard na produkto ng San Beda University ang tumanggap rin ng citation nitong February at April.

Naungusan sa award ng No. 6 pick ng 2018 draft sina Bobby Ray Parks Jr. ng Blackwater, CJ Perez ng Columbian Dyip at Robert Bolick ng NorthPort. (Vladi Eduarte)