Roque itinanggi ang tsismis na dinala sa ospital si Duterte

harry-roque

Pinabulaan ng Palasyo ang tsismis kagabi na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t kinumpirmang hindi dumalo ang Pangulo sa isang event ng PAGCOR sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang katotohanan ang napabalitang dinala ito sa ospital.

“Not true,” pahayag ni Roque sa text message sa mga reporter.

Isang opisyal ng Palasyo ang nagsabing dapat sana’y dadalo ang Pangulo sa pag-turnover ng tseke ng PAGCOR sa Malacañang subalit si Executive Secretary Salvador Medialdea ang ­pinadala sa naturang event.