Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. — GlobalPort vs. KIA
6:45 p.m. — Rain or Shine vs. TNT
Unahan sa win-streak ang Rain or Shine at TNT pagharap ngayong gabi sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Parehong galing sa panalo ang Elasto Painters (2-2) at KaTropa (2-1), pareho rin silang kulang sa armas.
Wala sa line-up ng TNT ang pambatong point guard na si Jayson Castro na naglaro sa Gilas Pilipinas sa 2017 FIBA Asia Cup at si Troy Rosario na nasa SEA Games sa Kuala Lumpur.
Sina Raymond Almazan at Gabe Norwood naman ang hindi makakalaro sa Painters dahil kasama rin sila sa Lebanon.
Suspendido ng isang game si big man Beau Belga pero sa August 27 pa siya hindi maglalaro para sa RoS.
Muling kikilatisin ang bagong import ng Elasto Painters na si J’Nathan Bullock at mga bagong miyembro na sina Ed Daquioag at Mark Borboran. Pasado kay coach Caloy Garcia ang unang laro ng tatlo.
“They only played one week together, pero ang bilis naman ng pick up nila,” ani Garcia.
Bukod sa one-game suspension, napatawan din si Belga ng P17,500 fine matapos ang 6th Flagrant Foul Penalty 1 nito ngayong season.
Sa first game, hahabulin ng KIA ang mailap na panalo laban sa GlobalPort.
Inaalat ang Picanto, wala pang panalo sa anim na laro. May isang ‘W’ ang Batang Pier sa tatlong salang.