Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang nauna nitong kautusan sa aktres na si Rosanna Roces na bayaran ng P3.1 milyon ang isang beauty firm dahil sa breach of contract.

 

Sa inilabas na re­solusyon ng dating 11th division, may petsang Enero 18, ibinasura nito ang motion for reconsideration na inihain ni Roces, kilala bilang Jennifer Molina sa totoong buhay na kinuwestiyon ang naunang kautusan ng CA na bayaran ang danyos na hiningi ng Forever Flawless Face and Body Center, Inc.

 

Base sa 2-pahinang desisyon wala umanong bagong argumento sa apela ng aktres na siyang pinanggalingan ng CA para baligtarin ang desisyon.

 

“Thus, we find no cogent or compelling reason to alter, modify or reverse the said decision,” ayon sa ruling ni Associate Justice Ramon Bato, Jr.

 

Magugunita na noong Hunyo 2018, kinatigan ng CA ang ruling ng Quezon City Regional Trial Court na bayaran ni Roces ang Forever Flawless ng P3 milyon sa tatlong counts ng breach of contract at P100,000 sa legal fees.

 

Kaugnay ng kinakaharap na kaso ay nabatid na wala pa umanong alam at direktang sagot ang aktres sa naging desisyon ng CA.