ROSANNA, TAGA-DELIVER NG ‘KARNE’ SA BILIBID

rosanna-roces

PINANGALANAN si Rosanna Roces bilang kabit umano ng drug lord sa Bilibid na si Vicente Sy.

Ang nagdawit kay Osang kahapon sa House inquiry ay ang ‘government asset’ na si Nonile Arile.

Ayon kay Arile, si Vicente Sy ay isa sa sampung VIP (Very Important Preso) o ‘big fish’ na nagpapatakbo ng drug ring sa National Bilibid Preson.

“Kabit niya ang artista na si Rosanna Roces, alyas Rosang. Protektor niya ang mga PDEA sa Quezon City,” pahayag ni Arile kaugnay kay Sy.

***

Paliwanag ni Rosanna Roces sa Facebook kahapon din:

“Paanong magiging mistress eh babae ang dinadala ko ke Enteng.

“Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na-reject pa ang babaeng dalhin ko.

“Kung naging mistress ako ‘di sana nabayaran ko ang 2M na talo ko sa kaso sa GMA.

“Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako.

“Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey…. taga-deliver ng karne.

“Isang tao lang ang kausap ko du’n. Iyung sinasabi nilang si Vicente Sy.

“Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay. Kilala ko din sina Noel Martinez dating mayor ng g.i ..dahil nag-concert na din kami sa loob. Kasama sina Aprilboy at Selina Sevilla.

“Dun ko na meet si Jaybee Sebastian dahil na interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang Btv o bilibid tv.

“Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalo na nu’ng ang huling nadala ko palang babae ay maysakit.”

Ayon pa kay Osang, 3 years ago pa nangyari ito.

***

Idinawit ng isang netizen si Claudine Barretto sa pagkakaaresto sa ex-boyfriend nito na si Mark Anthony Fernandez.

Post ni carlyrem22 sa social media, “Paano na ‘yan Claudine nakakulong na si Mark Anthony Fernandez. So susunod ka na?

“Adik pa more paano na mga anak mo? Isip isip din kaya ang taba mo at wala ka ng karir kasi laos ka na!”

Nag-react ang pamangkin ni Claudine na si Dominique Cojuangco (anak ni Gretchen Barretto) na kabilang sa mga na-tag sa nasabing post.

Comment ni Dominique, “Leave her alone man.”

Later on ay deleted na ang comment na ito.

***

Bonggang-bongga ang mga ganap sa afternoon series na Sa Piling ni Nanay ngayong hapon sa GMA 7.

Gising na si Matilda (Nova Villa), kaya level-up na naman ang pagmamaldita ni Scarlet (Katrina Halili).

Lulutang na ba ang katotohanan? Mabubu­king na ba ang hitad na si Scarlet?

O si Ysabel (Yasmien Kurdi) na naman ang maididiin ng hitad?

***

Gaano katotoo ang usap-usapan na igigiit ang appointment ni Freddie Aguilar sa isang komisyon na under sa Office of the President, na siya niyang magiging entry point sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA)?

Ipilit ba talaga si Ka Freddie — dahil lang ba sa pagtulong niya sa nakaraang eleksyon?

Gumawa na lang sana ng marami pang napapanahon at mahuhusay na kanta si Ka Freddie at ipaubaya na lang niya ang usaping kultura sa mga eksperto rito.

***

Mukhang may hindi pagkakaunawaan ang dating miyembro ng 1:43 Boy Band na si Yuki Sakamoto sa kanyang dating kasamahan na namumuno ng grupo kaya tumiwalag ito at sumali sa Pinoy Boyband Superstar.

Kung OK sila, ang manager pa rin niya sana sa 1:43 ang nagdala sa kanya at nagpasali sa naturang contest.

Du’n pa tuloy naungkat ang pagkabuwag ng grupo. Nagkagulatan baga.