Rosario duguan sa TNT-NLEX game

Puspusan na sa paghahanda para sa paparating na bagong season ng Philippine Basketball Association ang bawat koponan.

Patunay dito ang duguang ilong ni Troy Rosario ng TNT KaTropa matapos hindi sinasad­yang masiko ni JR Quinahan ng NLEX Sabado sa Lorenzo Sports Center ngayong Sabado na pinagwagian ng Road Warriors 95-90.

Pumoste ng 15 puntos si Poy Erram sa kanyang unang tune-up game sa NLEX mula nang ma-trade sa Road Warriors mula Blackwater habang umayuda naman ng 14 puntos si Quinahan.

Ang se­cond-round draftee ng Road Warriors na si Kris Porter ay umambag din ng 10 puntos.

Natikman ng TNT ang unang pagkatalo nito sa tune-up game mula nang ma-trade si Terrence Romeo sa San Miguel. (Fergus Josue, Jr.)