STANDINGS

TEAMS       W L

SMB         4 0

Magnolia    4 1

Ginebra     2 1

TNT         3 2

GlobalPort  2 2

Alaska      2 2

Blackwater  2 3

Rain or Shine 2 3

NLEX        2 3

Phoenix     2 3

Meralco     1 3

Kia         1 4

Mga laro sa Miyerkules:

(Smart Araneta Coliseum-Quezon City)

4:30 p.m. – Meralco vs Kia

7:00 p.m. – GlobalPort vs. SMB

Nag-umpisang mainit ang Talk ‘N Text KaTropa matapos magpaulan si Troy Rosario ng apat na tres kontra sa Meralco tungo sa 99-81 pananambak kagabi sa 43rd PBA 2017-18 Philippine Cup elims sa Ynares Center sa Antipolo City.

Unang anim na minuto palang ng laro’y pumuntos agad ang nagdiwang ng kanyang ika-26 na kaarawan noong Sabado na si Rosario, ng 12 points at 4/4 sa tres pa-22 points na kamada para sa pagsolo ng TNT sa pang-apat na puwesto sa 3-2 win-loss record.

Kabalikat niya si RR Garcia na nakatapos na may 18 puntos sa laro kaya maagang nakalayo ang Texters sa Bolts 16-6, at winakasan ang unang yugto sa 28-17.

Kahit pa unang nakaiskor ang Meralco dahil sa 1/2 freethrow ni Jayson Ballesteros pitong minuto ang lumipas bago saka sinundan ni Nino Canaleta ng fade away shot, hindi naman nila nasustena ang mainit na umpisa.

Bago mag-second half pinarangalan si Canaleta na 87th member ng 5,000 points club sa loob ng kaniyang 13 taong career sa Philippine Basketball Association.

Pinangunahan ni Rosario ang kanilang Texters na may bukod sa kabilang sa opensiba’y ang 6-of-10 free throws, at may 10 rebounds pa. May eight assists pa si Garcia.

Si Jayson Castro naka-18 pts. at si Roger Pogoy may 15 sa salpukang tinampukan nang paglayo ng KaTropa hanggang 22 points, 92-70 may 4:31 pa sa fourth quarter.

Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Meralco(1-3) kaya naman nasa pangalawa sila sa hulihan sa standings sa kabila nang magarang game ni Baser Amer na 20 points, six rebounds, at six assist.

May 14 pts. si Jared Dillinger, at 11 si Nino Canaleta.

Ang iskor:

Unang laro

Talk ‘N Text 99 — Rosario 22, Garcia 18, Pogoy 15, Castro 12, Reyes 10, Semerad 10, Hernandez 3, Carey 3, Williams 2, Torres 2, Tautuaa 2, Onwubere 0, Golla 0.

Meralco 81 — Amer 20, Dillinger 14, Canaleta 11, Tolomia 8, Newsome 6, Lanete 5, Hugnatan 4, Bono 4, Ballesteros 3, Faundo 3, Baracael 2, Sedurifa 1, Salva 0, Caram 0.

Quarters: 27-18, 46-36, 73-62, 99-81.(Christian Cortez)

Pangalawang laro

Alaska Milk 97 — Manuel 18, Thoss 17, Banchero 14, Casio 13, Abueva 9, Teng 9, Cruz 5, Potts 3, Exciminiano 2, Magat 2.

Ginebra 83 — Mariano 15, Thompson 12, Ferrer 12, J. Aguilar 12, Caguioa 8, Cruz 8, Tenorio 5, R. Aguilar 5, Wilson 2, Taha 2, Jamito 0.

Quarters: 26-23, 36-44, 73-63, 97-83.