Rose, 2 pa garahe na

Rose, 2 pa garahe na

Mukhang namemeligro nang makahabol sa playoffs ang Minnesota Timberwolves.

Nasa 10th place ng Western Conference ang Timberwolves (32-40), malayo sa No. 8 Clippers (42-30), pero mas malamang na hindi na makakahirit pa dahil sa pagkawala ng tatlo sa kanilang top five scorers.

Posibleng out na sa season dahil sa injuries sina Robert Covington, Derrick Rose at Jeff Teague.

Bago ang laro kontra Charlotte Hornets nitong Huwebes, inihayag ng Wolves na lumala ang right knee injury ni Covington, ang centerpiece ng Jimmy Butler trade. Nakaka-22 games pa lang sa Minnesota si Covington pagdating mula Philadelphia.

Naupo sa huling apat na laro si Rose dahil sa nananakit at namamagang kanang siko. (VE)