Ross, Black umalma sa pagkasawi ni Floyd

Abot hanggang Pilipinas ang epekto ng nangyari kay George Floyd sa Minneapolis.

Namatay ang black man matapos diinan ng tuhod sa leeg ng isang white police officer, si Derek Chauvin.

Kasunod nu’n ang protesta kontra racism sa iba’t ibang lungsod sa US.

Sa Pilipinas, nakisimpatiya sina Fil-Ams Chris Ross ng San Miguel Beermen at Meralco rookie Aaron Black sa nangyayari.

“Why is that dark skinned people are looked at as criminals or thugs or dirty or ugly or gangsters or hip hop… or…” tweet ni Ross.

Hindi rin napigil si Aaron na ipahayag ang kaisipan.

Si Black ay anak ni American coach Norman Black, dito na sa Pilipinas lumaki at naging miyembro ng Ateneo Blue Eagles champion squad sa UAAP.

“No place for racism in this world. As a half black American that was raised here in the Philippines, I can truly say that different races can co-exist without all the hate,” lahad ni Aaron sa Twitter din. “Starts with accepting other people as they are and not stereotyping based on one’s skin color or culture.”

Nanawagan siya ng pagbabago.

“Let’s do our part and speak up against not only racism in the US but the injustices happening around us here in the Philippines as well. Together we can make a difference,” aniya.

Hindi pa naiko-coach ni Norman ang anak sa PBA. Si Aaron ang 18th pick ng Bolts noong December.

Bago makapaglaro ang Meralco sa 45th season, tinigil ang Philippine Cup noong March 11 dahil sa coronavirus. (Vladi Eduarte)