Todo-suporta ang PBA sa Samahang Basketbol ng Pilipinas sakaling manghiram ito ng mga player para sa national team pool sa 30th Southeast Asian Games.
Saad ni PBA commissioner Willie Marcial, hindi nila ipagdadamot ang kanilang mga manlalaro para sa tsansang mairepresenta ang bansa sa SEAG na iho-host ng Pilipinas sa Nobyembre.
“Kapag hiningi ni (PBA) chairman (Ricky) Vargas ang PBA, ibibigay namin,” saad ni Marcial matapos ang board meeting ng PBA.
Saad naman ni SBP president Al Panlilio, kanilang lalakarin na magkaroon ng competitive team ang Pilipinas para sa SEA Games sa 5-on-5 at sa 3×3 event.
“We want to have a good showing both on 5-on-5 and 3×3,” ayon kay Panlilio.
Kung sakali, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng all-pro team na sasabak sa SEA Gmes sa 31 edisyon ng torneo.
Matatandaan na nagpahayag na ng interes ang dalawang San Miguel player na sina Chris Ross at Alex Cabagnot para makalaro sa SEAG.
“I would love to represent the country in the SEAGames It would be a dream come true #goingFortheGold” dating tweet ni Cabagnot.