Ross, Fajardo matulis sa mga volleyball player

Dahil break ang NCAA at UAAP mula sa banta ng coronavirus, mang-iintriga muna ako mga ka-Abante.

Kilala ko si June Mar Fajardo bilang pinakadominanteng big man sa PBA, na kapag tumagal-tagal ay lalo pang isesemento ang kanyang estado bilang best player sa liga lalo pa’t six-time PBA MVP na siya.

At sa bawat award at kampeonato ni Fajardo, hindi naman puwedeng isnabin ang madalas na magbigay sa kanya ng mga play para lalong maging effective na si Chris Ross.

Two-time PBA Finals MVP na si Ross, walong kampeonato ang binigay sa Beermen, ay teka wala ako dito para pag-usapan ang kanilang basketball life.

Sino ba naman ang ayaw na bulatlatin ang mga love life ng iba’t ibang atleta?

Pagdating sa love life, medyo malabnaw pa ang kay Fajardo, samantalang lumilinaw naman ang kay Ross.

Pero isa ang sigurado, parehong mga athletic, volleyball player ang gusto ng magkakampi sa San Miguel.

Naging open naman ang relationship ng six-time PBA MVP na si June Mar kay Ateneo volleybelle Aerieal Patnongon.

Ngunit lumabas ang rumor na hiwalay na ang dalawa, lalo pa’t sa isang post ni Aerieal ay may tinawag itong ex-boyfriend.

Habang si Ross naman ay posibleng sumunod sa yapak ni Fajardo.

Sa mga Instagram post ng F2 Logistics star na si Tyler-Marie Kalei Mau, makikita si Ross na binati pa ng volleybelle sa birthday ang PBA player.
Kasama niya rin ito sa sariling celebration ng kanyang birthday at tinawag pa na ‘best birthday ever’.

Kung sakali mang magtuloy-tuloy ang pag-iibigan ng dalawa, wala namang masama lalo pa’t pareho silang nakaka-relate sa isa’t isa dahil parehong Fil-American na gumagawa ng ingay sa Pilipinas.