Ross kumambiyo sa early practice

Ilang araw pa lang may tanong si San Miguel Beerman Chris Ross sa napipintong pagbabalik-praktis ng PBA: Bakit nagmamadali?

“Risking personal and family safety so that we can train now for games that won’t start until earliest September?!? What’s the rush?” post ni Ross sa kanyang Twitter account.

Nagbabalak na ang PBA na umpisahan ang praktis, pero posibleng sa September o October pa ituloy ang season kahit isang conference na lang.

Isinumite ng liga sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang guidelines.

Nagluwag na ang coronavirus pandemic, ibinaba na sa general quarantine ang halos buong bansa at unti-unti na ring pinapayagan ang mga pagtitipon.

Panukala ng PBA, apat na players, isang trainer at isang health officer ang bubuo sa bawat batch na papasok sa pasilidad. Pagkatapos ng workout, papasok ang susunod na batch ng anim din.

“No advancement scientifically for the virus,” dagdag ni Ross. “I wanna play ball and get back to work as bad as anyone out there but at what risk?”

Ni-require din ng liga na magpa-test lahat ng players ng 12 teams.

“No test, no practice,” giit ni commissioner Willie Marcial.

Pero kumambiyo rin si Ross sa kanyang tweet kahapon.

“I know boss Willie and the governors have our and our families safety at the top of the list when discussing this and will make the best decision for everyone else,” anang Fil-Am guard. (Vladi Eduarte)