Ross lumebel kina Caidic, Duremdes

Ross lumebel kina Caidic, Duremdes

Praktis, kompiyansa sa sarili at tiwala ng teammates.

‘Yun lang ang formula ni Chris Ross sa napakaangas na shooting niya mula 3-point country.

Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena, nagtuhog si Ross ng 10 for 16 shots mula sa labas ng arc tungo sa career-high 34 points para ihatid ang San Miguel Beer sa come-from-behind 117-105 win kontra Rain or Shine.

Bitbit na ng Beermen ang 2-0 lead sa PBA Commissioner’s Cup semifinals, kapag nawalis ang best-of-five series mamaya sa Smart Araneta Coliseum ay babalik sila sa finals.

Panlima na si Ross sa elite club ng PBA players na may 10 o higit pang 3s sa isang laro tapos nina Allan Caidic, Kenneth Duremdes, RR Pogoy at SMB teammate Marcio Lassiter.

“I put in so much work and I’m confident enough of myself to not shoot those shots,” ani Ross na parang ‘di napagod tapos ng laro. “Cio, not only Cio but all my other teammates telling me to shoot the ball, it gives me so much confidence in the world.”

Isang long range bomb pa ay babasagin na sana ng Fil-Am guard ang franchise-best ng SMB na 10 3-pointers sa isang laro na hawak ni Lassiter.
Nag-text pa nga raw si Lassiter, nagpapagaling sa knee injury, kay Ross pagkatapos.

“’Should’ve gotten one more,’” mensahe raw ni Super Marcio, ayon kay Ross. “’You would’ve beat my record.’”

Pero sakto na raw siya sa 10, mahalaga ay nanalo ang San Miguel. Wala raw siyang masyadong pakialam sa records o stats.

“My goal is to help my team win. No matter if I score zero or I score 40. No matter what, as long as my team wins,” panapos ni Ross.

Walang naipasok sa unang walong tira sa 3-point range ang Beermen pero overall ay tumapos ng 18 for 44. May tigatlong tres pa sina Chris McCullough at Terrence Romeo.

Naiwan ng hanggang 44-15 ang Beer pero lumamang din 98-75. (Vladi Eduarte)