Ross pangarap pa ring maglaro sa nat’l team

PEACE MUNA KAYO NI YENG

Muling nagpahayag nang masidhing pagnanais si Christopher ‘Chris’ Ross na makapaglaro para sa Team Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nov. 30-Dec. 11.

Siniwalat ng 34-year-old, 6-foot-1 do-it-all guard ng San Miguel Beer sa Philippine Basketball Association ang marubdob na hangarin sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila sa malate.

“That’s a big dream of mine to be part of the National Team. I’m ineligible to play before in FIBA but I think I am eligible for SEA Games. So if my name get’s called, I am ready to put the jersey on,” bulalas ni Ross.

Kakadale lang ng Beermen nang makasaysayang 5-peat PBA Philippine Cup championship, nakaungos sa klasikong Game 7 kontra sister-team Magnolia Pambansang Manok.

Maaalalang matagal nang kinukunsidera na maging parte si Ross ng Phil. quintet. Pero i­neligible siya base sa regulasyon ng International Baskjetball F­ederation dahil lampas 16-anyos na siya nang makakuha ng Philippine passport.

Dahil naman ‘di ganoon k­ahigpit ang regulasyon sa SEA Games, posibleng makapaglaro sa national team ang basketbolistang Fil-Am lalo pa’t host team ang mga Pinoy.

Ang problema lang ay mortal niyang kaaway si national coach Joseller ‘Yeng’ Guiao sa matagal ng panahon na pakiki-pagtuos ng SMB sa iba’t ibang PBA teams na nahawakan na ng una, pinakahuli sa NLEX na minsang nauwi pa sa maanghang na sigawan at murahan sa nakalipas lang na taon. (Myris Lee)