Desidido si Chris Ross na tumulong sa Gilas Pilipinas, kahit practice player lang habang naghahanda ang team sa pagsabak sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China sa Aug. 31-Sept. 15.
Malapit lang aniya ang tinitirhan niya sa Meralco Gym sa Pasig na pinagpapraktisan ng Nationals, isang tawag lang ay makakarating siya agad.
“I can just walk over if they call me, like 10 minutes before practice I can just go if they don’t have enough (bodies),” anang guard tapos ng 98-84 win ng San Miguel Beer sa NorthPort sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup nitong Linggo.
Sakaling mapasama sa team si Ross, magiging natularized player din siya tulad nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger na base sa FIBA rules ay ‘di puwedeng maglaro bilang locals dahil ‘di nakakuha ng Philippine passport bago mag-16.
Sa kabila nito, gustong mag-volunteer ng Fil-Am bilang practice player.
“Just to lend a helping hand, cause I know they need as much practice and they need some different looks, that’s why I just offer my services,” wakas niya.
Lunes at Huwebes na ang ensayo ng Gilas, sa August ay dadayo sa Spain para sa isang pocket tournament doon at pagbalik ng bansa ay haharapin naman ang NBL (National Basketball League) team Adelaide 36ers bago tumulak pa-China. (Vladi Eduarte)