Ross, Standhardinger wish makabalik sa Rockets si Jones

Tapos na ang bakbakan sa court, itinaas na ng San Miguel Beermen ang korona ng PBA Commissioner’s Cup tapos kalusin ang TNT KaTropa 4-2 nitong Biyernes.

Nahinto na rin ang gitgitan at pisikalan sa court nina Christian Standhardinger, Chris Ross at Terrence Jones.

Sina Standhardinger at Ross ang dalawa sa itinoka ni SMB coach Leo Austria para pigilin ang TNT import.

Naka-chart na ang mapa ng susunod na paglalakbay ni Jones, nagbabalak bumalik ng Houston Rockets na kumuha sa kanya bilang 18th pick noong 2012.

Interesado raw sa kanya ang Rockets ayon sa ulat ng The Athletic, bibigyan ng veteran maximum para isahog kina James Harden at Russell Westbrook.
Ngayong tapos na ang trabaho niya sa TNT ay puwede na raw niyang ikonsidera ang NBA.

“That’s a next chapter. I’m ready to get back home and start worrying about that,” ani Jones sa posibilidad na NBA return. “It’ll be something that I’m getting ready for now.”

Ang mga nagpahirap sa kanya mula sa kabilang dulo ng court sa Commissioner’s Cup Finals, walang masabi sa husay ni Jones.

“He’s a great player. I only wish him the best,” ani Standhardinger. “I’m sure he’s gonna go back to the NBA.”

Umamin ang Fil-German bruiser na ‘di kayang igapos nang todo si Jones: “I don’t think you can stop him. You can just make it a little bit harder.”
Si Ross na makailang beses nakagitgitan ni Jones sa pisikal na series, welcome ang pagbabalik ng import sa PBA.

“I told him that I hope gets back in the NBA, but if not, having great players like him in our league is good. It just helps the PBA out,” panapos ni Ross. “I mean, I know his goal is to play in the NBA, but I told him if not, high-caliber players like that are always welcome here.” (Vladi Eduarte)