Hindi type ni Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) founder at ex-Senator Nene Pimentel na ibalik ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) kung ang paiiralin lang dito ay mga walang katuturang sakitan kagaya ng hazing.
Ang ROTC, aniya, ay maraming kapaki-pakinabang na kapupuntahan hindi lang ang training military preparedness.
Sa panahon ngayon hindi na umano uubra ang mga gaya-gaya.
Inihalimbawa nito ang sitwasyon sa Amerika kung saan hindi na binibigyang prayoridad ang ROTC.
Binanggit pa ni Pimentel ang iba pang tungkulin na maaaring iatang sa ROTC.
“Dito sa atin hindi naman siguro puwede na gaya-gaya na lang kung anong ginagawa sa Amerika sundin na lang natin one of the important things na nakikita ko na puwedeng gawin ng ROTC. Kasi ang ROTC pagkatapos ng basic course at pagkatapos nilang mag-graduate they belong to a certain unit ng ROTC corps na ‘yan,” wika ng dating senador.
“Isang malaking trabaho na puwedeng pasukan ng ROTC aside from the disaster preparedness, sa election. Ang mga maestra kasi malimit na threatened sila pinagbabantaan sapagkat more or less under the control sila or persuasion or influence ng mayor or governor under the certain area.
Kaya nga pagdating ng halalan ‘pag hindi nila susundin ang kagustuhan ni mayor o governor lagot sila sorry na lang ang kanilang mga promosyon, pero therefore sa tingin ko, ang mga maestro na ito huwag na magsilbi sa election duties, the ROTC could take over.
Para ang mga ROTC naman ay hindi magiging tool ng governor or mayor,” paliwanag pa ni Pimentel.