ROTC kailangan ng mga millennial

Rotc Philippines

Kumbinsido si House Committee on Public Order and Safety Chairman at Antipolo City Rep. Romeo Acop na kinakaila­ngan na buhayin at ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

“Well, we have always advocated for the return of the ROTC in so far as our students which are considered appropriate enough to understand or to undergo military training, the ROTC,” paghaha­yag ni Acop sa Ugna­yan sa Batasan news forum kahapon.

Sa katunayan aniya ay may mga panukalang batas ng inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso patungkol sa pagbuhay sa ROTC,

“We have filed bills. Unfortunately, accor­ding to some people who advocates the removal of the ROTC, the law abolishing the ROTC is still new. It has not been implemented for a long time, ‘yung pagkawala. So para bang adamant sila na mabago, maibalik ‘yung ROTC,” ani Acop.

Ipinaliwanag ng solon na retiradong police general na malaki ang maitutulong ng ROTC sa mga kabataan.