Archie Liao

Aprub kay Rowell Santiago ang pakikipagrelasyon ng utol niyang si Raymart Santiago sa Ayala Land executive na si AC Legarda.

Katunayan, para sa kanya, may karapatang lumigaya ang kanyang kapatid pagkatapos ng masali­muot na relasyon nito kay Claudine Barretto.“Kung saan masaya si Raymart, siyempre masaya kami,” sey ni Rowell.

Ayon pa kay Rowell, mabait at mapagkakatiwalaang tao si AC at kilala niya ito.“Matagal ko nang kilala si AC.

Matagal na,” diin niya.Aware rin siya na tulad ni Raymart, hiwalay si AC sa kanyang unang asawa at mayroon din itong dalawang anak.“Basta ako, kung saan masaya ang kapatid ko, susuportahan ko siya,” muli niyang giit.

“Basta inuulit ko, kung saan maligaya si Raymart, wala namang intriga riyan,” dugtong niya.Si Ro­well ay nasa cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan ginagampanan niya ang role ng mabait na president.