PUMAPAG-IBIG sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn sa pelikulang I Found My ♥ In ­Santa Fe.

Kinunan ang pelikula sa Santa Fe sa Bantayan Island sa Cebu, na kung ilarawan ng dalawa ay VIRGIN NA VIRGIN.

Ang ganda-ganda ng dalampasigan sa Santa Fe, na akmang-akma sa romansa sa istorya.

Wholesome ang pelikula pero may pasabog na pa-bikini si Roxanne.

Iyon ang pantapat niya sa pa-abs at pa-santol ni Will.

Sa totoong buhay ay apat na taon nang magsyota sina Roxanne at Will, kaya hindi na sila nailang sa kissing scenes.

Ipapalabas ang I Found My ♥ in Santa Fe sa Setyembre 15 ­para sa Cine Lokal (walong sinehan ng SM).

Ito ang unang brand-new film na tampok sa Cine Lokal.

Idinirek ito ni Bona Fajardo.

***

Makikisaya sa Kada­yawan Festival ang cast ng Ika-6 Na Utos.

Tampok sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Mike Tan at Gabby Concepcion sa Kapuso Mall Show ngayong Huwebes nang 4:00 PM sa Gaisano Mall ng Davao City..

***

Nanlumo si Aiza Seguerra sa pag-reject ng CA sa appointment kay Judy Taguiwalo ­bilang kalihim ng DSWD.

Sunud-sunod ang tweets ni Aiza, “Putang ina.

“Pinakita ninyong hindi talaga kapakanan ng nakararami ang iniisip ninyo. Ilabas na yan kung sino ang mga bumoto!

“It is and will always be about politics. ­Dehado ka pala kapag matinong public servant ka. #ImWithSecJudy

“Ilabas na ang mga pangalan. Wag matakot. Powerful kayo diba.

“Politika ang puma­patay sa bansa natin.”

***

Abala ang 35 candidates ng Miss World ­Philippines sa kanilang pre-pageant activities.

Ngayong Huwebes ay may Sports Challenge sila sa Victoria Sports Club.

Puspusan ang paghahanda ng bawat kandidata sa grand coronation sa Setyembre, na mapapanood sa GMA 7.

***

Sino ba kina Rosette at Nimfa na parehong ­ginagampanan ni Kris Bernal sa Impostora ang masisiraan ng mukha?

Naka-post sa Insta­gram ni Kris na nakangud­ngod sa griller ang mukha niya.

Nakakalukring!

Intense ang mga ­tagpo sa Impostora ngayong inamin na ni Nimfa kay Homer (Rafael Rosell) ang lahat.