Roxas Blvd isasara ngayon sa SAF 44 commemoration ride

Magpapatupad ng road closure at traffic rerouting, epektibo alas-tres nang madaling-araw ngayon ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) para bigyan-daan ang comme­moration ride ng SAF 44 heroes sa Roxas Blvd., Maynila.

Ayon kay P/Supt. Carlo Magno Manuel, hepe ng Manila Police District-Public Information Office, base sa advisory ng MDTEU, isasara ang Southbound lane ng Roxas Blvd. mula sa Katigbak hanggang P. Ocampo St., Maynila.

Sanhi nito, pinayuhan ang mga motorista na manggagaling sa Bonifacio Drive at gagamit sa Southbound lane ng Roxas Blvd. na dapat na kumaliwa sa Burgos Ave. papunta sa destinasyon.

Ang mga sasakyan naman na manggagaling sa tatlong tulay (Jones, McArthur at Quezon) at dadaan sa Southbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat na dumiretso sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.

Samantalang ang mga babaybay naman sa west bound lane ng P Burgos ay dapat kumanan sa Bonifacio Drive at mag U-turn sa East Bound lane ng P. Burgos Ave. papunta sa destinasyon. Ang mga sasakyang dadaan sa TM Kalaw papuntang Roxas Blvd. ay dapat kumaliwa sa MH Del Pilar o kaya ay gamitin ang Roxas Blvd. service road.

Sa mga sasakyang dadaan sa UN Ave papuntang Roxas Blvd. ay pinakakaliwa sa MH Del Pilar o gamitin ang Roxas Blvd. service road. Ang mga dadaan naman sa West bound lane ng Pres. Quirino Avenue at dadaan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat kumaliwa sa Adriatico.

Ang mga sasakyan na pokus sa West bound lane ng P. Ocampo at dadaan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat na kuma­liwa sa F. B Harrison papunta sa destinasyon at ang mga sasak­yan papunta sa Manila Ocean Park, H20 Hotel at Manila Hotel ay dapat na dumaan sa Katigbak drive bilang access road.