Magpapatupad ng road closure at traffic rerouting sa Roxas Boulevard ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) para sa 123rd death anniversary ni Gat Jose Rizal sa Lunes, Disyembre 30.

Nabatid kay Lt. Col Carlo Magno Manue­l ng Manila Police District-Public Information Office, isasara simula alas-6:00 nang umaga ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw.

Lahat ng sasakyan na dadaan sa southbound mula sa Delpan Bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P. Burgos kanan sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.
Ang mga traile­r truck at iba pang heavy vehicle na magmumula sa Delpan Bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P. Burgos diretso sa Finance Road-Ayala Boulevard kanan sa San Marcelino patungo sa destinasyon.

Nabatid na ang mga sasakyan naman na dadaan sa northbound ng Roxas Boulevard ay dapat na kumanan sa T.M. Kalaw at kaliwa sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.

Lahat naman ng trailer truck na dadaan sa Roxas Boulevard mul sa P. P. Ocampo ay dapat kumanan sa President Quirino Ave­nue papunta sa destinasyon.

Samantala, lahat ng sasakyan na manggagaling sa McArthur, Jones at Quezon Bridge na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard mula sa P. Burgos ay dapat na dumaan sa round table papunta sa Ma. Orosa o dumaan sa Taft Avenue papunta sa destinasyon. (Juliet de Loza-Cudia)