Isasailalim sa rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Roxas Boulevard partikular sa bahagi ng Maynila at Pasay City.

Nabatid kay DPWH South Manila District Engineer Mikunug Macud na sisimulan ang partial rehabilitation work sa Roxas Bolulevard nitong Miyerkoles nang gabi.

Ayon kay Macud, may dalawa hanggang tatlong buwan silang timeline para tapusin ang rehabilitation project sa Roxas Boulevard.

Sakop ng pagsasaayos sa Roxas Boulevard ang northbound lane nito, mula sa bahagi ng EDSA Pa­say at P. Ocampo Street sa Maynila.

Kabilang sa isasagawa sa kahabaan ng Roxad Boulevard ang paghuhukay sa mga lumang kalsada, pagsesemento, pagsasaayos ng drainage at traffic ma­nagement component.

Hindi na aniya kailangan pang magkaroon ng rerouting scheme sa Roxas Boulevard dahil mga outermost portion nito ang isasailalim sa rehabilitasyon.

Dinadaanan ang Roxas Boulevard ng mga cargo truck na papasok at galing sa mga pantalan sa Maynila kung kaya’t mabilis aniyang masira ang lansangan.