Ipapatawag na rin ng Senado si dating Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Mar Roxas kaugnay pa rin sa isinagawa nitong imbestigasyon ukol sa maanomalyang Metro Rail Transit (MRT) 3 contract na ugat ng madalas na aberya ng operasyon nito.

Sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Public Services ay muli pang lumitaw ang kapabayaan umano ni Roxas noong panahon na siya ang namuno ng ahensiya.

Partikular dito ang naging salaysay ni dating MRT General Manager Al Vitanggol na kung saa’y inamin nitong nagkaroon ng kapalpakan pagdating sa bidding para sa maintenance contract.

4 Responses

  1. Ipatatawag si Mar Roxas para icongratulate ung anak na nagtapos sa prestigious school sa USA. At para magtanong si sen. poe kung pano makapasok sa school na un upang ung anak niya baka sakali.